Sydney Australia Chapter

Iba yung power ng listening - Fr Larry Faraon

08/10/2009 22:40

 Brothers and sisters, kita ninyo, that living in the spirit is a living of listening.  Pakikinig.  I prefer listening rather than reading.  Sa mga churches dito alam nyo naman, ang mga churches dito very modern. Sa Pilipinas din, may mga projector, yung mga first reading na binabasa, responsorial psalm, prinoproject yan. Which is good.  Other churches. they have the missalette so you can follow the readings.  Pero ako if I were a parish priest all I have to do is have a beautiful sound system like this one and a good reader. Iba yung power ng listening sa pagbabasa, di ba? O halimbawa si Sis Salve at Bro Bob. Si Bro Bob itetext niya lang. Babasahin nya lang yong I love you, I love you, binabasa lang, walang impact. Malay mo ikaw lang ang nagtext.  "Pwede pakitext mo ang Misis ko at busy ako rito. Sabihin mo I love you parang ganon."  So yung tinext nababasa.  Iba yung Bro Bob, isang araw na naghuhugas ng pinggan ito (Sis Salve), bigla kang darating dahan dahan. Tapos hahawiin mo yung buhok niya. Tapos itatapat mo yung labi sa tenga nya: "I LOVE YOU" .  Walang comparison yun sa text di ba?  Pag yun ang ginawa mo, Bob,  ititigil nito yung paghuhugas niya at iba na ang huhugasan nito. Maglalaba, maghuhugas ng mga... sisipagin.  Masama nasa isip nyo e.  Iba yung power ng listening sa power ng reading.  Because if you're watching a horror movie, for example, Twilight pinapanood mo. Lahat binigay na sa iyo, yung hitsura ng vampira, yung hitsura ng monster alam no na e.  Pero kung nakikinig ng radyo ng Gabi ng Lagim, di ba, Yung imagination.. ibang iba yung imagination, ang lawak lawak ng imagination mo e.  That is the nature of the word of God. When you listen to it, your imagination becomes creative and you share in the creative power of God. Amen.  Kaya sabihin mo sa katabi mo, makinig ka. 

 

Fr Larry Faraon, OP

Excerpt from the Workers' Recollection

20 September 2009, St Aidan's Church, Rooty Hill

© 2009 All rights reserved.

Create a free websiteWebnode