Sydney Australia Chapter

Thank God Happy and Prosperous Talaga – Sis Amy L.

22/09/2009 17:13

Purihin si Yahweh pagkat siya ay mabuti.

Ang masasabi ko lang po mga Bros and Sisters Thank God Happy and Prosperous Talaga. Thank God Happy sapagkat sa aming pagdalo ng 25th (Silver) Anniversary sa Manila ay tunay pong napakasaya, maraming biyaya, pagpapala, gabay, proteksiyon at mga himala ang ipinagkaloob sa amin ating mahal na Yahweh EL Shaddai. Una na lang po walang bagyong nangyari, binigyan niya tayo ng murang pamasahe, magandang panahon at mapayapang paglalakbay at ligtas sa ano mang karamdaman,. Wala po sa aming chapter ang nagkasakit kahit man kami ay nabilad sa matinding init at biglang buhos ng ulan. Lalo na po ako, sa totoo lamang po ako ay Allergy sa araw at once na ako po ay mabilad sa araw ay maraming bukol bukol na skin rashes ang lumalabas sa akin at napakakati po talaga. Hindi ko na po inalintana kung ito man ay lalabas basta ang alam ko ginagawa ko ito for the Glory of God. Kinalimutan ko muna yong sarili ko basta unahin ko muna si Lord, bahala na kung ako ay mangangati, after po ng selebrasyon sa Luneta lumabas na po ang mga allergy ko, pero ng ako po ay umattend sa Amvel ng regular na gawain ay bumuhos na naman po ang ulan at ang ginawa kopo pinabayaan ko pong maulanan ang mga allergy ko at katawan ko at Praise the Lord po balik na sa dati ang skin ko. Ang isa pa po pagdating ko po dito sa Australia may nagtanong sa akin kung ako raw ay di natakot sa kagat ng lamok at baka ako mag kadengue, sabi ko po kahit isang kagat ng lamok ay di ako nakagat sapagkat ang nakabalot sa katawan ko ay banal na dugo ng ating Panginoong Yahweh El Shaddai. Amen.

Prosperous po talaga sapagkat ang anak ni Yahweh ay mayaman, siksik, liglig at umaapaw ang buhay sa pagpapala at hindi nauubusan. Kahit na po maraming naging gastos ay hindi po ako kinulang at nakapag share pa po ako ng kaunti sa aking pamilya lalo na sa mother ko, sapagkat ito ay pinunan ng ating Yahweh El Shaddai. Praise God.

Umaapaw ang puso ko sa kaligayahan ng kami ay ay napasama sa choir sa Australia Night at sa sa Luneta kahit na po madaling araw na kami umawit ay hindi ko naramdaman ang pagod at antok. Iba talaga kapag kasama mo ang ating Panginoon ibang kagalakan ang iyong madarama and I really admire sa ating mga kababayan na nagsidalo sa pagtitipong ito sa Amvel man o sa Luneta, nakita ko kung gaano kalakas ang pananalig nila sa ating Yahweh El Shaddai. Glory To God.

FINALLY

Ang masasabi ko lamang po mga Brothers and Sisters, minsan lang po nagkaroon ng 25th (Jubilee) Anniversary sa Manila at Opening ng Shrine at minsan lamang po tumuntong si Bro Mike sa kanyang ika 70th birthday, kaya talagang hindi ko po pinalampas ang pagkakataong ito na maka attend sa banal na Pagtitipong ito sa Manila at sa unang pagkakataon ay nakapag testimony ako sa harap ng maraming tao. Thank you Yahweh El Shaddai, this is one of the Greatest and Blessed event that happened in my life. From the very start na nag imbita si Bro Mike sa pagtitipong ito hindi po ako nagdalawang isip, sabi ko kahit ano man ang mangyari umulan man o bumagyo, mahal man o mura ang pamasahe aattend ako sa banal na pagtitipong ito at ito nga po Finally ako ngayon ay pinagpala at tagumpay na naka attend sa Pinagpalang 25th (Jubilee) Anniversary Manila at Opening ng Shrine.  Purihin, Purihin ka O Yahweh El Shaddai. Amen.

Sis Amy Librando (Canberra Chapter)

© 2009 All rights reserved.

Create a free websiteWebnode