Sydney Australia Chapter

The Best ang Australia - Sis Joy dT

06/09/2009 14:00

Praise the Lord! Purihin po natin ang ating Diyos. Yahweh, salamat po sa lahat.  Talaga pong napabuti ng Diyos  Talagang masasabi ko na kasama natin ang Diyos nang umuwi tayo sa Pilipinas. Kasi po very successful po talaga yung gawain at yun pong mga feedback, kasi po ako ay nandooon lagi sa likod, yun pong feedback from mga disciples,  sa lahat lahat po,  talagang sinasabi nila, the best ang Australia.  At sabi po nila na kung sila daw ay magbibigay ng award ay sa Australia pupunta.  Praise the Lord. At  yun nga po talaga pong hanggang sa huling pagkakataon, alam n'yo pong bago mag-Australia night talagang marami pang pagbabago na nangyayari na maganda talaga. Katulad po ng dapat magtotalk sa atin unang-una si Bro Michael.  Tapos naging si Bro Rey Vargas  Tapos po noong araw naw na yon, si Bro Mike ang nagtalk sa Australia.  At sinasabi nila na sa lahat ng mga nagappear for one month hindi siya nagtalk pero yung Australia night hindi siya nagshortcut. Siya ang nagtalk sa atin.  Talaga pong puspos na puspos ng pagapapala ang mga taga-Australia.  At saka po ang sinasabi nila sa akin na ang mga taga-Australia daw po pinakamaraming delegates na umuwi, tapos pinakawell-behaved pa.  Hindi ko po alam kung anong sinasabi nilang well-behaved, pero sinabi po nila na well-behaved, pinakamaraming delegates, pinakamagandang performance, talagang makikita mo na talagang pinaghandaan. Sabi ko, totoo namang pinaghandaan iyan, ilang buwan na kaming naghahanda diyan, ano! Kaya talaga pong talagang napakaganda po talaga. Talagang alam niyo po ang atin iniwan doon ay napakaganda. Talagang iyon po ay habang panahon na maaano sa puso't isipan nila na talagang the best ang Australia.  Praise the Lord. Alleluia.

© 2009 All rights reserved.

Create a free websiteWebnode