Sydney Australia Chapter

Naguumapaw na kagalakan, kasayahan, at pagpapala - Sis Baby I.

06/09/2009 16:30

Magandang magandang hapon po sa inyong lahat. At tunay pong napakabuti ng ating Panginoon sapagka't sa paguwi pa lamang po namin ay talagang bumuhos na po ang biyaya't  pagpapala ng Panginoon. Mula po sa aming mga pamasahe, kami po'y pinagpalang lubos. At tunay nga pong kami ay nakauwi ng bansang Pilipinas na very affordable talaga po ang aming mga pamasahe. Nagbigay po ang government at nagbigay din po ng subsidy ang gawain. Tunay nga pong ang aming mga naipamasahe na kami'y makarating roon ay talagang bigay ng Diyos. Kaya kami po'y patuloy na nagpupuri at nagpapasalamat. At kami po ay isang buwang pa lang ay grabe na po ang panalangin sa Panginoon na kami'y makarating sa bansang Pilipinas nang ligtas na ligtas, at hanggang sa aming pagbabalik, maging ang aming mga answered prayer ay pagpalaing lahat ng Panginoon. At tunay nga pong tinugon ng Panginoon. Sapagka't po kami'y  dumating sa Pilipinas na kami'y kanyang ginabayan, ligtas na ligtas hanggang sa aming pagbabalik. At noon pong inauguration po ng Shrine, ay ako po ay gumawa ng prayer request. Tunay pong napakabuti talaga ng ating Panginoon. Sapagka't pito lamang pong prayer request ang aking isinulat. Kasi kung twenty five, nakapahaba po, parang hindi mo maisip kung ano lahat ang ilalagay ko sa twenty five na prayer request.  Pito lang po ang ginawa ko at yun pong isa po doon ay mayroon po akong hiningi sa Panginoon na sabi ko nga po e a... Kami po bago kami umuwi ay may hinihintay po ako. Sa paguwi po namin ay sabi ko nga po - Lord, bahala na po kayo, yung hinihintay namin ay yun ay ikaw na lang ang bahala sa amin. Hanggang sa  po nagprayer request po ako at ang pinrayer request ko pong iyon, katatapos ko lang pong magsulat ng prayer request, at nailagay ko na rin po yung aking love offering, iklinlose ko na po yung aking sobre hindi pa man po dumaan.... talagang napakabuti't tapat ang Diyos... hindi pa man po nagsisimula ang misa ng inaguration ay na-answered prayer na po agad yong isa sa pito kong sinulat, na yun po ay nang magtext po sa akin si Mark, ang sabi niya - Ma, dumating na, eto na yung pagpapala mo.  Kaya ako po'y may isang sabi sa Panginoon sapagka't isinulat ko lang po, hindi ko pa naihuhulog yung prayer request, answered prayer na po kami. Tunay nga pong napakabuti ng Diyos sapagka't po ang ineexpect ko po ay ganon lang, subali't dinoble po ng Panginoon. Kaya ibinabalik ko po ang lahat na pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon at ang binigay po niya sa aming biyaya, sa pagdalo po ng Anniversary sa Pilipinas, talaga pong siksik, liglig, naguumapaw na kagalakan, kasayahan, at pagpapala, sapagkat ibinigay po ng Diyos ang parang fiestang fiesta talaga. Ramdam mo lahat na napakasaya, na lahat ay masaya, labas pasok ang mga tao, talagang ang kagalakan ko'y todo todong binigay ng Diyos. Kaya sa hapon pong ito ay binabalik ko po sa iyo ang papuri at ang pasasalamat na ito. Tunay na napakabuti mo o Diyos. Thank you, Lord. Thank you Jesus.

Sis Baby I. (Rooty Hill)

© 2009 All rights reserved.

Make a website for freeWebnode